Maglalaan ng P5 bilyong pondo ang pamahalaan para sa mga dalubhasa na magtuturo sa mga kolehiyo sa State Colleges and Universities. Kukunin ang pondo mula sa kabuuang P41.79 bilyon pondo ng SUC’s.

Ayon kay Senator Teofisto Guingona III, ikakalat ang pondo sa 114 SUC’s sa buong bansa para makakuha ng mahuhusay na propesor.

“For the past 15 years, SUCs were not given additional plantilla items despite the increase in enrollment. To address this issue, the SUCS were hiring part time faculty with no employer-employee relationship. This has affected the quality of higher education,” ani Guingona.

Ang Philippine Normal University (PNU), bilang National Center for Teacher Education, ay bibigyan ng P300 million para sa modernisasyon ng mga pasilidad, pagsasanay ng mga guro, pananaliksik.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang Commission on Higher Education (CHED) naman ay makakukuha ng P2.38 bilyon at ang malaking bahagi nito ay para sa insentibo ng mga iskolar.

Madagdagan naman ang pondo ng Mindanao State University System ng P200 million para sa maintenance and other operating expenses (MOOE).