Umiskor ng 11 puntos mula sa bench, pinangunahan ni Philip Paniamogan ang pagratsada ng AMA University sa third canto upang pangunahan ang Titans tungo sa 83-76 na panalo kontra Racal Motors kahapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Isinalansan ni Paniamogan ang lahat ng kanyang kabuuang game-high na 22 puntos sa second half, tig-11 sa third at final period, upang pamunuan ng Titans sa kanilang ikalawang panalo sa loob ng limang laro.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Alibabas sa barahang 1-4, panalo-talo habang nalasap naman ng kanilang bagong coach na si Caloy Garcia ang unang pagkatalo bilang mentor ng koponan na dating ginagabayan ni St. Clare College coach Jinino Manansala.

Buhat sa limang puntos na kalamangan sa halftime, 36-31, binuksan ng Titans ang secoond half sa pamamagitan ng 13-2 run na pinangunahan ni Paniamogan katulong sina Bobby Balucanag, Jay-R Taganas at Joshua Cubillo upang umagwat ng 13 puntos, 46-39.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza