Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa epektibo ngayong Martes ng madaling araw.

Sa anunsiyo ng Pilipinas Shell, epektibo 12:01 ng madaling araw magtatapyas ito ng P1.05 sa presyo ng kada litro ng kerosene at 90 sentimos sa gasolina at diesel.

Hindi naman nagpahuli ang mga kumpanyang PTT Philippines at Phoenix Petroleum ng sumunod na magbaba sa parehong presyo ng gasolina at diesel.

Asahan ang pagsunod ng ibang oil company sa ipinatupad na rollback sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Nobyembre 18, nagtapyas ang mga kumpanya ng 80 sentimos sa presyo ng gasolina, 50 sentimos sa diesel at 35 sentimos sa kerosene dahil sa patuloy na pagbaba ng contract price ng langis sa world market.