Ni LEO P. DIAZ

ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pagkasawi ng dalawang katao at pagkakasugat ng 24 na iba pa sa pagsabog ng umano’y improvised explosive device (IED) sa isang bilyaran sa M’lang, Cotabato, sa kasagsagan ng selebrasyon ng Kawayanan Festival.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jade Villarin at isang John Camering, na sinasabing kapwa football player.

Sugatan naman at nasa Cotabato Provincial Hospital sina John Ramirez, 30, ng Barangay Dugon, M’lang; Lorelyn Catinoy, 18, ng Bgy. Relocation, M’lang; Apolinario Igot, 28, ng Bgy. Magallon, M’lang; Nelson Baliguat, 55, ng Bgy. Bialong; Francis Rio, 17; Ian Kris Quintinita; Marjon Billones; Kenneth Garcia; Joemar Bases, Ruth Billones; Amar Patad; Beverly Brazileño; Mike Laba at Solimar Baligasa, pawang taga-Bgy. Poblasyon, M’lang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasugatan din sa pagsabog sina Rey Javier, Ruel Sales, Ali Aguirre, Aldrin Natal, Erickson Brazileño, Aldrin Cadungon, Erica Brazilenño, Ericka Mae Jacilenyo, Thelma Ceballos at Ryan Ignacio.