Mga laro sa Miyerkules (San Juan Arena):

8am -- FeU vs. NU (m)

10am -- Adamson vs. Ateneo (m)

2pm – La Salle vs. NU (w)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

4pm -- Ateneo vs. Adamson (w)

Nagtala ng 21 puntos si Mark Gil Alfafara kabilang na dito ang 18 hits at 2 blocks at isang ace nang walisin ng University of Santo Tomas ang University of the East, 25-18, 25-22, 25-21 para sa una nilang panalo sa men’s division kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan.

Nag ambag naman ang kapwa niya beterano na si Romnick Rico ng 13 puntos kabilang dito ang 12 hits para masundan ang naging panimula ng kanilang women’s squad na nagwagi run ng straight sets kontra lady Warriors.

Namuno naman para sa Red Warriors si Edward Campusano na nagtala ng 17 puntos name kinapapalooban ng 16 na hits.

Sa isa pang laro,nakaungos naman ang University of the Philippines laban sa De La Salle University sa isang dikdikang five setter, 22-25, 25-21, 25-14, 22-25, 15-12.

Umiskor ng 18 puntos si Wendell Miguel habang nag-am bag naman ng tig-15 puntos sina Jon Abuda at Evan Raymondo para pamunuan ang nabanggit na panalo ng Maroons sa Green Archers.

Nawalan naman ng saysay ang game high 22 puntos ni Arjay Onia at 17 puntos ni Red Christensen dahil hindi nila nagawang maipanalo ang kanilang koponan.