Patay ang isang traffic enforcer habang sugatan naman ang asawa na angkas niya matapos mahagip at magulungan ng tanker ang sinasakyan nilang scooter sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Sa report ni Supt. Ely Pintang, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Group (QCDTEG), kinilala ang nasawi na si Richard Sinoron, 30, traffic enforcer, at residente ng 51 Quintos Street, Sampaloc, Manila.

Dead on the spot si Sinoron dahil sa pagkakalasog ng katawan habang nasugatan naman ang maybahay niyang si Melody.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang tumakas na driver ng tanker na nakilalang si Marine Norlito, 47, ng Sto. Tomas, Batangas.

National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'

Binabaybay ng SYM scooter ng mga biktima ang A. Bonifacio Avenue dakong 7:30 ng gabi noong Sabado pero pagsapit sa tapat ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa C-3 Road ay bigla na lang silang nahagip at nagulungan ng tanker na pag-aari umano ng Palayan Refilling Station (PRS).