WASHINGTON (Reuters) – Plano ng United States na bumili ng mga armas para sa mga katutubong Sunni sa Iraq, kabilang ang mga AK-47, rocket-propelled grenade at mortar round na makatutulong sa laban kontra sa Islamic State sa probinsya ng Anbar, base sa dokumento ng Pentagon na inihanda para sa Kongreso.
Ang planong paggastos ng $24.1 million ay maliit na bahagi lang ng $1.6 billion na hinihiling sa Kongreso na gastusin para sa mga pagsasanay at pag-aarmas sa mga puwersang Iraqi at Kurdish.