Dadagdag na rin ang San Carlos City mula probinsiya ng Negros Occidental bilang ika-12 miyembro ng lumalaking pamilya ng family-oriented at community-based physical fitness program ng Philippine Sports Commission na Laro’t-Saya, PLAY N’ LEARN.

Napag-alaman mula kay PSC Research and Development chief at PSC Laro’t-Saya project manager Dr. Lauro Domingo Jr. na kasalukuyang kausap ng ahensiya ng gobyerno sa sports si San Carlos City Mayor Gerardo P. Valmayor Jr. para pagusapan at ipinalisa ang kasunduan para sa pagsasagawa ng programa sa siyudad.

“Our PSC team is in Negros right now to discuss and finalized the program with the officials of San Carlos. Actually, it is almost done at inaalam na lang namin kung ilang sports ang gustong isagawa ng San Carlos,” sabi ni Domingo Jr.

Nakatakda rin na ilunsod sa buwan ng Disyembre kasabay ng pagsisimula sa programa sa Negros Occidental ang pagsasagawa ng espesyal na aktibidad na PSC Laro’t- Saya Senior Citizen na pasisimulan sa siyudad ng Bacolod, Cebu, Davao at Iloilo City.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“It is part of our program for our Senior Citizens to give physical fitness and exercise program for their wellness at saka mabigyan sila ng activity. Plano namin itong gawin once a month na exclusive lamang sa kanila ang ibibigay na mga galaw dahil hindi sila puwede sa masyadong strainous na routine,” sabi ni Domingo.

Maliban sa San Carlos City na kilala sa “Pintaflores Festival” ay napagalaman din ni Domingo Jr. mismo kay PSC Chairman Ricardo Garcia na ilang LGU’s na rin ang nagpadala ng kanilang interes sa ahenisya upang maisagawa ang programa na iniendorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang.

Posibleng isabay na rin ang paglulunsad ng PSC Laro’t-Saya sa San Carlos sa pagbubukas ng programa sa Baguio City sa darating na Nobyembre 29 habang sisimulan din ang aktibidad sa Vigan City, Ilocos Sur sa Disyembre 13 at panghuli sa Tagum, Davao Del Norte sa Disyembre 21.

Samantala, umabot naman sa kabuuang 337 katao ang dumalo sa Aguinaldo Freedom Park sa Kawit, Cavite sa pagsali sa Zumba (235), badminton (37), taekwondo (22) at volleyball (43).

Kabuuan naman na 597 katao ang nakisaya sa Burnham Green sa Luneta Park Zumba (295), arnis (16), badminton (96), chess (52), karatedo (14), volleyball (46) at football (75) habang sa Quezon City Memorial Circle ay mayroong 335 ang nakilahok sa zumba (233), badminton (37), taekwondo (22) at volleyball (43).