LAHAT tayo nagkakamali; bahagi iyon ng ating pagkatao. Ngunit kung katulad ka rin ng nakararami, naiinis ka o nagagalit ka sa iyong sarili kapag nakagawa ka ng kapalpakan. Ang dahilan ng iyong pagkainis, tulad din ng sasabihin sa iyo ng mga eksperto sa kahit na anong larangan, ay sapagkat nais mo lamang maging pulido ang iyong ginagawa.

Kaya kapag hindi natin naitama ang ating ginagawa sa simula pa lamang o binigo natin ang umaasa sa atin o hindi natin naihatid ang inaasahan, totoong masama ang ating kalooban. Ang iba, iwinawaksi nila ang negatibong emosyon upang huwag silang manisi ng iba. Ang mga tao na may matitibay na loob ay may ibang pananaw sa pagkakamali. Sa halip na bumabad sa kalungkutan o pagkainis, o mamuhay sa pagkukunwaring perpekto sila, o maghanap ng masisisi, may kakahayan silang tanggapin ang kanilang pagkakamali, ituwid iyon at mag-move on.

Kaya anong gagawin mo kapag pumalpak ka matapos mong ibuhos ang iyong galing sa isang gawain ngunit mistulang nagiba at ngayon kailangan mong ayusin? Sagot: Ituwid mo at mag-move on. Narito ang ilang tips kung paano magmu-move on pagkatapos ng isang kapalpakan:

    Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

  • Tandaan na hindi ito ang katapusan ng daigdig. - Kahit malala pa ang naging resulta ng isang pagkakamali, halimbawa nasibak ka sa trabaho, makakalag din ang pagkakabuhul-buhol niyon kalaunan. Kapag pumalpak na ang lahat ng bagay, magbibigay iyon ng espasyo na muling itayo ang mas matibay na pundasyon. Gayong hindi ito ang pinakamainam mong araw, may taglay na pangako ang hinaharap.
  • Panatilihin ang magandang pananaw. - Ang paminsan-minsang pagkakamali ay hindi dahilan upang sisihin mo palagi ang iyong sarili. Pag-aralan mo ang nangyari at alamin kung ano ang nagdulot ng iyong pagkakamali. Kung mayroon kang taong nabalewala o nasaktan, hindi nangangahulugan iyon na hindi ka angkop sa kanilang grupo, na dapat kang hamakin sa publiko. Nangangahulugan lang iyon na kailangan mong magpaliwanag at humingi ng tawad.

Sundan bukas.