Mga laro sa Miyerkules (Binan, Laguna):

2pm -- Cignal vs Foton (W)

4pm -- generika vs Petron (W)

6pm -- Battle for Third (Men’s)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tuluyang isinara ng Petron Blaze Spikers ang pintuan para sa umaasam makatuntong sa semifinals na Mane N Tail matapos nitong itala ang 3-1 set na panalo, 25-16, 22-25, 25-19, 25-23 sa dumayo na 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix sa Muntinlupa Sports Complex.

Nangailangan muna ang Blaze Spikers ng mainit na paglalaro mula kay import Alaina Bergsma na itinala ang highest nito na 34 puntos sa 26 kills, 4 blocks at 4 service ace sa laban na pinanood ng 3,845 katao upang iligtas ang Petron sa posibleng pagkaka-upset sa determinadong manalong Lady Stallions.

“Nag-struggle ang mga players ko sa pag-receive ng bola kaya hindi namin mai-set ng maayos ang plays. Medyo mainit din kaya madalas na basa at nagiging madulas ang bola dahil sa pawis ng mga players. But we have to take this win as a lesson also,” sabi ni Pascua.

Nagawang agawin ng Lady Stallions, na hindi nakasama ang head coach na si Francis Vicente, ang ikalawang set matapos mag-init si import Kristy Jaeckel na nagtala ng kabuuang 30 puntos sa laro subalit hindi nasustina lalo na sa krusyal na naging mahigpitan na ikaapat na set.

Sinandigan ng Blaze Spikers ang dalawang attack error sa dec iding set ng Lady Stallions kung saan nagawang itulak ni Bergsma sa puntos tungo sa panalo sa women’s division ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

“Isang laro na lang. Wala nang bibitaw dito,” sabi lamang ni Petron Blaze Spikers coach George Pascua matapos nilang sungkitin ang kabuuang ikawalong panalo sa siyam na laban. Inokupahan din nito ang unang puwesto papasok sa semifinals ng torneo.

Nag-ambag sina Frances Molina ng 6 kills at 3 blocks habang si Dindin Santiago ay may siyam na puntos sa anim na kills at tatlong ace. Mayroon naman 16 excellent digs at 8 successful receive si Jen Reyes habang may 36 na excellent set si import Erica Adachi.

Huling naghabol ang Blaze Spikers sa dalawang puntos sa 4th set, 21-23, bago nakaiskor si Morada sa isang ace na nasundan ng attack error ni Lady Stallions Lilet Mabbayad na nagtabla sa iskor sa 23.

Pilit na itinutulak ng Lady Stallions ang laban sa posibleng ikalimang set subalit lumampas ang atake nito na nasundan ng isang out of bound violation mula sa atake ni American import Kristy Jaeckel.

Tuluyang namaalam sa semifinals ang Lady Stallions sa pagkakalasap ng ikapito nitong kabiguan kontra sa tatlong panalo.