NAGSALITA si Bill Cosby, 71, laban sa pagbuhos ng mga alegasyon ng sexual assault na ayon sa isang pahayagan ay pahayag ni Bill, 77, sa pahayagang Florida Today noong Biyernes, bago magtanghal ng kanyang comedy routine sa isang sinehan sa Melbourne, Florida. Tumanggi ang komedyante na sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga alegasyon ng ilang kababaihan na nagsabing minolestiya niya ang mga ito, at ang ilan ay inakusahan pa siyang pinainom sila ng droga.

“I know people are tired of me not saying anything, but a guy doesn’t have to answer to innuendos,” sabi ni Bill sa Florida Today, na mababasa sa Melbourne at mga karatig-lugar.

“People should fact-check. People shouldn’t have to go through that and shouldn’t answer to innuendos,” sabi ni Bill sa pahayagan, sa istoryang inilathala noong Biyernes ng gabi.

Tumanggap si Bill ng standing ovation sa simula ng kanyang 90-minutong show sa Melbourne, na nagtapos na hindi tinalakay ng komedyante ang mga alegasyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Isang host sa Orlando-based Real Radio 104.1 ang nag-udyok sa mga taong dumalo sa show na tanungin si Bill tungkol sa mga alegasyon at kunin ang kanyang kasagutan, at nag-alok ng cash ang istasyon ng cash at mga premyo para sa pinakamagandang footage. Ngunit walang ni isa mang nagtanong kay Bill.

Sinabi ni Bill sa Florida Today na ang ganitong mga alok sa mga nanonood sa kanya ay nanganganib na lumikha ng “frat house mentality.”

“Now suppose someone brings a weapon or decided to do more foolishness,” aniya. “There will be announcements made and the stations made some disclaimers, but what if people don’t listen to what they said and they entice violence.”

Hindi pa kinakasuhan ang komedyante at sinabi ng kanyang mga abogado na ang mga paratang ay discredited at defamatory.