HINDI lang kilalang-kilala kundi super sikat ang showbiz gay celebrity na naging usap-usapan sa Tondo kamakailan. Ang sabi, dahil sa kanyang kasikatan at pera ay walang nagugustuhan si Showbiz Gay Personality na hindi napasakanya.

Yes, lalo na ‘pag lalaking natipuhan niya.

Kamakailan ay may kinalokohang cute guy sa Tondo ang sikat na showbiz gay personality. Ilang beses daw na halos abutin ng madaling araw si Showbiz Gay Personality sa bahay ng natipuhang cute Tondo boy.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Siyempre, dahil super galante si Showbiz Gay ay hindi lang mga kamag-anak ni Tondo Boy ang binubusog niya sa pagkain at mga pasalubong kundi pati na ang mga kabarkada ng cute guy.

“Sawang-sawa rin sila sa mga binibiling inumin at mamahaling pulutan,” sabi ng informant namin.

In fairness, mabait din naman si Tondo Boy pero hindi ito bumigay sa showbiz gay. Pero ang ikinaloka ng bading ay ibinalik ni Cute Guy ang mga mamahaling regalo na ibinigay nito sa kanya.

“Sa totoo lang, kahit laking Tondo ‘yan at sikat si ______ (name ng Tondo boy na celebrity rin), eh, hindi siya naluhuran,” sey ng source namin.

Kaya ang ending, pagkatapos mabasted ay never nang napagawi ang rich showbiz gay sa bahay ni Tondo Boy.