LAHAT ng senior citizen – 60 anyos pataas – ay maaari nang i-enjoy ang kanilang mga taon bilang bonafide member ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagpapatupad ng Republic Act 10645 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Nobyembre 5, 2014, na nagkakaloob sa kanila ng automatic healthcare coverage, na ang premium payments ay subsidized ng national government. Isang pinagsamang Senate Bill 712 at House Bill 4593, ang bagong batas ay inamiyendahan ang Republic Act (RA) 9994, ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, at inalis ang kuwalipikasyon na ang isang senior citizen ay kailangang isang maralita upang maging kuwalipikado sa PhilHealth coverage. Sa 6.1 milyong senior citizen, 3.9 milyon ang kasalukuyang covered ng PhilHealth bilang maralita, may sponsor, lifetime member, o depedent.

Ang natitirang 2.16 milyong senior ay mga miyembro na ng PhilHealth base sa RA 10645 Ang mga senior citizen ay maaari nang mag-avail ng benefits at mga diskuwento na tinatamasa ng mga PhilHealth member sa pamamagitan ng pagpapakita ng ID na inisyu ng Office of Senior Citizens Affairs upang mapatunayan ang edad. Ang batas ay isang maagang pamasko sa kanila, isang katiyakan ng access sa medical care habang tumatanda sila. Isang paraan ito upang pasalamatan sila sa kanilang paglinang sa ating nakababatang henerasyon at para sa kanilang mga ambag sa lipunan. Respeto at pangangalaga para sa matatanda ay isang sinauna pang tradisyon.

Ang PhilHealth ang nangangasiwa ng National Health Insurance Program na nagkakaloob ng basic health coverage at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino. Ang pag-aambag sa pondo ng PhilHealth ay mandatory para sa lahat ng manggagawa sa pribado at gobyerno pati na rin ang mga nagtatrabaho sa ibayong dagat. Sa nagdaang mga taon, pinalawak ang benefit upang saklawin ang iba pang sektor tulad ng urban poor at mga may kapansanan.

Milyun-milyong Pinoy ang umaasa sa PhilHealth para sa proteksiyong pinansiyal laban sa pagkakasakit. Dumami ang mga enrollee; noong Disyembre 2013, mayroong 76.90 milyong Pilipino ang covered ng PhilHealth, 31.27 milyon dito ang nakarehistrong miyembro at 45.63 milyon ang dependent. Sa ilalim ng universal health care, kaloob ng gobyero ang ilang bahagi ng pondo para sa health insurance cover para sa lahat ng sektor.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Ang gobyerno, mga pribadong institusyon, akademya, at non-government groups ay nagkakaloob ng ginhawa at ayuda sa matatanda, tinitiyak na ini-enjoy nila ang mas maraming benefit at pribilehiyo, lalo na ang 20% discount sa basic goods at serbisyo, tulad ng pagkain, gamot, doctors’ fees, pamasahe sa paglalakbay sa lupa, hangin at dagat, sa pananatili sa mga hotel, libreng panonood ng sine, at libangan. Giit ng ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mahigpit na implementasyon ng mga priority lane para sa mga senior citizen sa mga banko at financial institution na nasa ilalim ng superbisyon ng BSP. Nagkakaloob naman ang Department of Social Welfare and Development ng P500 buwanang social pension sa mga 77-anyos na maralita, mahina, sakitin, o may kapansanan.