Kim Chiu

WELL-LOVED pala talaga ng mga taga-production si Kim Chiu dahil marunong makisama sa mga katrabaho mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang posisyon.

“Saludo kami sa ugali ni Kim,†kuwento ng kaibigan namin na ilang beses na niyang nakatrabaho. “Minsan barubal makipag-usap kasi diretso lang magsalita, lalo na yata ‘pag iniinterbyu ng press, pero lahat ng katrabaho niya sa production walang masabi sa kanya, sobrang bait talaga.

“Nakikipagkuwentuhan ‘yan, nangungumusta sa buhay-buhay ng mga utility, PA, lahat, pati driver, kinakausap niya at natutuwa sa kanya kasi jologs. Kaya walang masabi talaga kay Kim pagdating sa trabaho.â€

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sabagay, wala pa kaming naririnig na hindi maganda tungkol kay Kim mula sa mga nakakasama niya sa tapings at shootings. Katunayan, ang madalas na sinasabi sa amin, “Funny si Kim, kung ano ‘yung nakikita n’yo na role niya sa mga pelikula o serye, siyang-siya talaga ‘yun,†sabi pa ng kausap namin.

Ito raw marahil ang sekreto ni Kim kaya gustung-gusto siya ng fans at ng mga nakakatrabaho niya. Higit sa lahat, hindi raw siya mahirap paartehin.

“Willing kasing matuto si Kim, kapag hindi niya kayang gawin, magtatanong nang magtatanong kung bakit ganito or ganyan at kung puwede ba ‘yung way na lang niya kasi mas okay para sa kanya. Pero kapag ipinaliwanag mong mabuti, maiintindihan niya at kapag napanood na niya ‘yung eksena, saka niya sasabihing, ‘ah, oo nga, tama’,†kuwento pa sa amin.

May binanggit na ibang aktres ang kausap namin na talagang ilag daw ang mga taga-production dahil never nag-reach out sa kanila at parati lang nasa dressing room o van nito.

“Well, kanya-kanyang ugali kasi ‘yan, depende kung paano ka lumaki at kung sino mga nakakahalubilo mo. Magkaiba kasi sila ni Kim,†katwiran sa amin.

May common touch pala si Kim. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit putok sa ratings at box office hit ang lahat ng projects niya, tulad ng katatapos na Ikaw Lamang at mga pelikulang Bride for Rent at Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo.

Tulad nitong upcoming movie ni Kim kasama sina Xian Lim at Ai Ai de las Alas na Past Tense (from Star Cinema uli), expected na naman ng kausap namin na magiging big hit dahil suportado ng KimXi fans.

“Grabe ang KimXi fans, ibang klase rin, ayaw nilang natatambal sa iba si Kim, hindi naman pupuwede ‘yun, di ba? Kailangan din ni Kim mag-level up sa acting, kasi kapag sila ni Xian, expected mo comedy o light drama. Hindi puwedeng puro ganu’n lang kasi paano pagtanda ni Kim, walang bagong makikita sa kanya,†paliwanag sa amin.

Anyway, ano kaya ang susunod na teleserye ni Kim?