TIYAK NA BUKAS ● May libreng pagaaral sa kolekyo na iniaalok ang GSIS at DOST at makikinabang sa scholarship na ito ang mahigit 200 estudyante. Pakay ni GSIS General Manager Robert G. Vergara na bigyang daan na tuparin ng mga magaaral ang kanilang mga pangarap. Aniya, sasagutin ng GSIS ang tuition at iba pang bayarin na abot sa P20,000 at bibigyan ng dalawang libong buwanang allowance ang mga scholar na pinili mula sa 40,000 pamilya na may pinakamababang taunang sahod. Sa kabilang dako, may 500 third year college student ang scholar ng Department of Science and Technology – Science Education Institute, at kalugudlugod na mabatid na pagka-graduate ng mga estudyanteng ito ay magtuturo na ng science and technology, engineering at mathematics sa Kto12. Kapuri-puri ang programang ito na lalong nagbibigay ng pag-asa sa mga estudyanteng walang-wala ngunit karapat-dapat sa ayudang ito.

***

MAY PATUTUNAYAN ● Sa paraan ng pag-eeksperimento natutuklasan ng mga scientist kung mabuti o masama sa tao at kalikasan ang isang elemento. Sapagkat malawak ang kanilang kaalaman, sila ang makapagsasabi kung may pakinabang ang isang produkto o wala. Sa idinaraos na 10th National Biotechnology Week simula ngayon hanggang ika-28, na pinangungunahan ng Commission on Higher Education (CHED), inaasahang dadaluhan ito ng mga opisyal at kinatawan ng Departments of Science and Technology, Education, Health, Trade, Agriculture, Environment, at ng Local Government. “Biotechnology is an important tool for our future in food security, health and many other things,” pahayag ni dating DOST Secretary, Dr. William Padolina sa press conference sa Quezon City. Aniya, dapat ituro sa mga estudyante ang kahalagahan ng siyensya at teknolohiya. Inihalimbawa ni Dr. Padolina ang genetically engineered na mais, talong, canola, soya at cotton kung saan mas malaki ang ani at mas malaki ang kita ng mga magsasaka. Bukod sa mas maliit ang gastos dahil hindi na kailangang gumamit ng pestisidiyo, malaking kaginhawaan din sa kalusugan ito dahil maiiwas sa sakit ang mga magsasaka na dulot ng nakalalasong kemikal sa pestisidyo. Ipinabatid nito na hekta-hektaryang lupa ang natatamnan ng genetically engineered na mais kung saan hindi na kailangang umangkat ang bansa.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza