ISA sa dream na makatrabaho ni Carmina Villarroel si John Lloyd Cruz na ngayong nasa ABS-CBN na rin siya ay hindi na malayong matupad.
“Kaya natuwa ako nang i-offer sa akin ang Bridges, na makakasama ko si John Lloyd with Jericho Rosales, Maja Salvador at Edu Manzano,” sabi ni Carmina. “Na-excite na nga ako sa possibility na magkakaeksena kami sa teleserye, dahil paborito ko nga si Lloydie. Kaya nanghinayang ako nang hindi siya matuloy dahil hindi pa pala siya nagri-renew ng contract niya sa ABS-CBN. Pero okey lang, na-sad lang ako.”
Si Xian Lim ang pumalit kay John Lloyd. Kumusta namang katrabaho ang young actor.
“Wala pa naman akong masasabi kay Xian dahil once pa lamang akong nag-taping, hindi ko pa siya nakaeksena. Pero nakikita ko naman sa kanya ang pagpupursige niyang matuto sa role na ginagampanan niya. He’s trying his best and he is hardworking as an actor.”
Ano ang role niya sa Bridges?
“Kailangan akong maingat sa pagkukuwento ng role ko, alam naman ninyo ang kadaldalan ko, baka masabi ko ang hindi pala p’wedeng sabihin. Basta dito, hindi ako kontrabida pero hindi rin naman ako isang anghel, may pinagdadaanan lang ang character ko sa story.”
Nainterbyu namin si Carmina nang imbitahan kami sa launch sa kanya as the new ambassador ng Knorr at sa new campaign nila ngayon na Sarap ng #Lutong Nanay, kasama ang iba pang mom ambassadors na sina Dimples Romana, Delamar Arias, Pia Guanio at Danica Sotto-Pingris, hosted by Christine Jacob, sa Blue Leaf sa Bonifacio Global City. Nagkaroon kami ng chance na mapanood sila sa pagluluto at matikman ang kanilang mga niluto.
Aminado si Carmina na ayaw niyang magluto dahil takot siyang gumamit ng gas stove. Pero na-realize niya na hindi siya complete as a mom kung hindi niya naipagluluto ang kanyang kambal na sina Cassy at Mavy at asawang si Zoren. Kaya nag-aral siyang magluto ng kahit simple recipe lang na gustung-gusto naman ng kanyang mag-aama.
Nakakatawa lang daw dahil paborito nila ang sinigang, pero si Cassey ay sinigang na hipon ang gusto, sinigang na liempo kay Mavy, kaya dalawa ang lutuan niya sa bahay ng sinigang.
Sila ni Zoren, kahit alin sa dalawang sinigang. Hindi nagrereklamo ang mag-aama niya kahit ano ang lutuin niya na nagsisilbi pang bonding ng pamilya tuwing kakain sila, basta siya ang nagluto. Kaya kahit busy siya sa taping ng Bridges sa ABS-CBN, hindi siya umaalis ng bahay na hindi pa nakakapagluto ng lunch o dinner para sa kanyang pamilya, lalo raw ngayon na marami na siyang alam na recipe na gumagamit ng Knorr products.