Hinimok ni Senate President Franklin Drilon ang mga local government unit (LGU) na magtalaga ng mga bike lane sa kani-kanilang nasasakupan, sa pakikipagtulungan na rin sa Department of Publlic Works and Highways (DPWH).
Aniya, dapat ding tukuyin ng DPWH ang mga pangunahing lansangan na puwedeng maglaan ng lane para sa mga bisikleta.
Inihayag ni Drilon ang nasabing panukala kasabay ng paggunita ng First National Bicycle Day sa Pilipinas kahapon, na sabay-sabay na lalarga ang mga bisikleta sa buong bansa.
Aniya, bukod sa mainam sa kalusugan ang pagbibisikleta, makatitipid pa sa paggamit ng gasolina at higit sa lahat ay makikinabang dito ang kalikasan dahil mababawasan ang polusyon.
“I agree with every Filipino who has made biking their means of transport and hobby and that not only it promotes a healthier lifestyle, it can also provide some of the answers to our transportation and environmental woes,” ani Drilon.
Aniya, mainam din na maging bahagi ng anti-pollution campaign ang pagbibisikleta.
Marikina City ang unang nagbukas ng bike lane, na ginaya ng ibang lokal na pamahalaan.