Naghain ng panukalang batas sina Party-list Reps. Mariano Piamonte at Julieta Cortuna na magkakaloob ng P10,000 pabuya sa sinumang makahuhuli ng driver o operator ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok, sa tinatawag na citizen’s arrest.

Layunin ng House Bill 4932 nina Piamonte at Cortuna na himukin ang suporta ng mga ordinaryong mamamayan para mapaigting ang pagpapatupad ng batas laban sa smoke belchers, na masama ang epekto sa kalusugan.

Ayon kay Piamonte, panahon nang hikayatin ang mga ordinaryong tao na makiisa sa pagpapatupad ng batas laban sa smoke belching.

Sinabi nina Piamonte at Cortuna na hanggang ngayon ay marami pa ring sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok sa mga lansangan ng Metro Manila at sa iba pang lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa panukala, may P10,000 pabuya ang indibiduwal na nakaaresto ng driver o operator ng smoke-belching na sasakyan.