Kinasuhan ng parricide ang isang 71-anyos na lolo sa pagpatay sa apat na taong gulang niyang apo sa Arayat, Pampanga noong Nobyembre 21.

Ayon kay Supt. Wilson Alicuman, hepe ng Arayat Municipal Police, sinakal at ginilitan si Joshua Sarcia ng lolo niyang si Angel Pineda sa loob ng bahay ng paslit sa Purok 1, Barangay San Juan Baño sa Arayat.

Naiwan kay Pineda ang bata nang magtungo sa Maynila ang mga magulang ng huli dahil may sakit ang ama nito.

Ayon sa salaysay ng isang kaanak, nagising sila nang kuryentehin sila sa batok ni Pineda hanggang sa makita ng mismong kapatid ng biktima na sinasakal ni Pineda ang apo.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Ayon sa report, inakala ng suspek na manok ang bata kaya ginilitan niya ito