Bibili ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng karagdagang 2,000 patrol car para sa Philippine National Police (PNP) at 480 fire truck para sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa 2015.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, malaking tulong ang karagdagang patrol car at fire truck sa pagpapaigting ng police visibility at pagpapabuti sa serbisyo sa komunidad, partikular sa pagresponde sa sunog at iba pang kalamidad.

Sinabi ng DILG chief na nasa huling yugto na ng proseso ng pagbili ng fire trucks at ahensiya.

Aniya, ilang opisyal ng DILG ang magtutungo sa China sa Disyembre upang kilatisin ang specifications at kalidad ng mga fire truck na isinasalang sa bidding process.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kung maaaprubahan, ilan sa 550 munisipalidad na wala pa ring fire truck ang mabibigyan ng unit sa Enero 2015.

“Hindi lang tayo mamamahagi ng mga fire truck,” sabi ni Roxas, “bibigyan din natin sila ng kani-kanilang fire station na kumpleto sa kagamitan at 14 na bumbero na magtatrabaho sa dalawang shift.”

Samantala, hinikayat ni Roxas ang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na tulungan ang BFP sa pagsugpo ng sunog sa paggamit ng mga water tanker dahil nauubos agad ang tubig sa isang fire truck sa loob ng walong minuto. - Czarina Nicole O. Ong