Ipinagdiriwang ngayong Linggo ang Feast of Christ the King sa Barangay Napindan sa Taguig City.
Ang taunang selebrasyon ay idinadaos sa pasimulang misa, sa ganap na 8:30 ng umaga, sa Parokya ni San Isidro Labrador, sa pangunguna ni Rev. Fr. Carlito Jimenez, Iglesia Filipina Independiente.
Dakong 3:00 naman ng hapon idaraos ang prusisyon. Ang mga Aglipayano ay magsusuot ng pulang damit at dala ang imahen ng Kristong Hari. Ang mga mananampalataya ay dumadalaw sa mga tahanan, nagdarasal para sa Panginoong Hesus.
Ang prusisyon, na karaniwang inaabot ng gabi, ay naglalahad ng layunin ng mga Aglipayano: magkaloob ng angking talento, panahon at kakayahan sa pagtulong, pagsunod at pagpapalaganap ng uri ng buhay na dapat nating tularan at sundin—sina Jose, Maria at Hesus. - Daisy Lou C. Talampas