Umakyat pa sa isang puwesto at ngayon ay nasa ikasiyam na ang Pilipinas sa mga bansang apektado ng terorismo, ayon sa Global Peace Index 2014.

Dahil sa nasabing report, ang Pilipinas ngayon ang may “worst” ranking sa mga bansa sa Southeast Asia.

Sumunod dito ang Thailand na ikasampu sa puwesto, Indonesia (ika-31), Myanmar (ika-35), Malaysia (ika-48), Cambodia (ika-98), Laos (ika-113) at Singapore, Timor Leste at Vietnam Ong(ika-124).

Sa pag-aaral noong 2012 ay pangsampu sa puwesto ang Pilipinas at tumaas ang antas nito sa pang-siyam makalipas ang dalawang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa report ng Global Peace Index 2014, ang bilang ng insidente ng terorismo sa bansa ay umakyat sa 499 noong 2012 at 2013, at 125 naman noong 2011.

Umakyat din ang bilang ng mga namatay ngayong taon sa 292 mula sa 120, habang ang mga sugatan ay nadagdagan naman, mula 213 sa 444.