Kung ang Pinoy boxing hero na si Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang pag-uusapan, walang dudang nagkakaisa ang oposisyon at administrasyon—at may laban

siya, wala munang puli-pulitika.

Ilang beses na itong napatunayan at kahapon ay kapwa nagpahayag ng pag-asam ang mga miyembro ng Kongreso mula sa mayorya at minorya na patuloy na magsisilbing inspirasyon ng maraming Pilipino si Pacquiao sa inaasahang pagkapanalo laban sa Amerikanong kampeon na si Chris Algieri.

Maglalaban ngayong Linggo sina Pacquiao at Algieri sa Macau.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang pinayuhan ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Pacquiao na huwag masyadong pakasisiguro at tiyaking maidedepensa ang World Boxing Organization welterweight title nito.

Gayunman, kumpiyansa ang mga taga-oposisyon na sina Rep. Rodolfo T. Albano III at Rep. Jonathan De la Cruz na mananalo ang kapwa kongresista, na tinawag ni Deputy Speaker Isabela Rep. Giorgidi Aggabao ng mayorya na “very calculating and aggressive”.

Samantala, kasabay ng pagasam ng panalo mula kay Pacquiao ay umaasam din ang Philippine National Police (PNP) na gaya ng dati ay “mapapatumba” ng boxing icon ang mga kriminal sa pagbawas ng crime rate sa bansa.

Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na ilang beses nang napatunayan na epektibo si Pacquiao laban sa kriminalidad dahil ang bawat laban nito ay katumbas ng zero-crime rate sa bansa.

Matatandaang bahagyang lumamya ang appeal ni Pacquiao sa publiko matapos siyang mapatumba at ma-knockout ng Mexican na si Juan Manuel Marquez. (Ben Rosario

at Aaron Recuenco)