Gaya ng dapat asahan, naipanalo ng reigning mens back-to-back champion National University (NU) ang kanilang unang panalo matapos walisin ang nakatunggaling Adamson University, 25-23, 25-21, 25-12, kahapon sa pagbubukas ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala ng 14 puntos ang beteranong hitter na si Reuben Inaudito na kinabibilangan ng 9 hits at 5 blocks upang pangunahan ang naturang panalo ng Bulldogs.

Nag-ambag naman ang kanyang baguhang kakampi na si Fauzi Ismail ng 13 puntos na kinapapalooban ng 11 hits habang nagdagdag ng 8 puntos ang reigning MVP na si Peter De Mar Torres.

Sa isa pang laban, nagwagi din ang nakaraang season losing finalist na Ateneo de Manila kontra sa Far Eastern University (FEU) sa loob din ng tatlong sets, 25-14, 25-19, 25-20.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Umiskor ng 15 puntos si Marc OredoEspejo na kinapapalooban ng 13 spikes habang nagdagdag naman ng 12 puntos si Rex Intal at 10 puntos naman si Joshua Alexis Villanueva.

Hindi nakaporma ang Tamaraws na pinangunahan ni Jeric Gacutan na nagtapos na may 5 puntos lamang sa halos kabuuan ng laban.

Nagpaulan din ang Blue Eagles ng hits, 38-17, gayundin ng service aces, 13-5, bukod pa sa tig-26 na excellent sets at successfiul receptions kumpara sa 14 at 19 ng Tamaraws.