Kapanalig, maraming naghahanap ng trabaho. Ayon nga sa International Labour Organization (ILO), ang Pilipinas ang may pinakamataas na unemployment rate sa buong ASEAN. Umaabot nga ng 12.1 milyon ang walang trabaho noong 2013 ayon sa ILO. Mahigpit kasi ang kompetisyon sa trabaho. Mas marami ang naghahanap ng trabaho kay sa trabaho mismo. Habang wala pa ang trabahong inaasam, maaaring tingnan ang pagnenegosyo o small and medium enterprise (SME) na napatunayang mabilis sumulong.

Isa sa mga maaaring makatulong upang maisulong ang SMEs ng ma-absorb nito ang maraming jobless sa ating bansa, ay ang pagkakaroon ng mga polisiya at incentive na pabor sa ating mga negosyante. Kahit maliit lamang ang mga uri ng negosyo rito, napakalaki naman ang potensyal ng mga ito. Kailangan ang ating lokal at nasyonal na pamahalaan ay maglatag ng maayos na programa na mag-eenganyo sa ating mga lokal na negosyante na mamuhunan.

Ang pagkakaroon ng malawakang capacity building programs na maghahanda sa ating mga entrepreneurs sa mga hamon na kanilang kahaharapin ay mahalaga. Kailangan maihanda sila hindi lamang sa masalimuot na buhay negosyante, kundi upang maging resilient din ang kanilang negosyo sa mga sakuna. Kailangan sila patatagin.

Ang SMEs ay nagbibigay ng kumikitang kabuhayan sa ating mga mamamayan. Sila rin ay lumilikha ng trabaho para sa marami. Kung pangangalagaan natin ang sektor na ito, mas malaki ang magiging kontribusyon nito sa ating ekonomiya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

***

EXPO Tangkilikin! Tangkilikin natin ang gagawing EXPO ng mga produkto ng mga mahihirap sa Nov. 28, 29, at 30 sa Glorietta, Palm Drive Activity Center sa Makati. Pangungunahan ito ng mga programang Segunda Mana at Caritas Margins ng Caritas Manila. Dito na kayo mamili ng inyong pamasko, dahil dito, nakabili ka na ng mura at maganda, nakatulong ka pa! May mga model at artista pa at magkakaroon pa ng araw-araw na Healing Mass. Nakapamili ka na, nakatulong pa, gumaling ka pa! Iba talaga ang Caritas Manila.