WASHINGTON (AFP)— Nangakong aayusin ang “broken” immigration system ng America, nag-alok si President Barack Obama ng proteksiyon laban sa deportasyon sa limang milyong hindi dokumentadong migrante noong Huwebes, upang hindi na magtatago ang mga pamilya at makakuha ng work permit.

Sa isang hakbang na ikinagalit ng kanyang mga kritikong Republican, sinabi ni Obama na ang mga hindi dokumentado na naninirahan sa bansa sa loob ng mahigit limang taon at mayroong anak na US citizen o legal permanent resident ay maaaring mag- apply para sa three-year work authorization.

Pinalawak din ng pangulo ang programa na inilunsad niya noong 2012 na nagkakaloob ng temporary residency sa undocumented immigrants na kabataan na dumating sa United States bago maging 16-anyos.

“There are actions I have the legal authority to take as president – the same kinds of actions taken by Democratic and Republican presidents before me – that will help make our immigration system more fair and more just,” sabi ni Obama sa 15-minutong talumpati mula sa White House.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Apektado ng kautusan ang 44 porsiyento ng 11.3 milyong mamamayan – karamihan mula sa Mexico at Central America – na illegal na naninirahan sa United States.

Ngunit agad din niyang binigyang-diin na ang kautusan, ang pinaka-komprehensibong hakbang sa immigration sa loob ng maraming taon, “does not grant citizenship, or the right to stay here permanently, or offer the same benefits that citizens receive.

“Only Congress can do that,” dagdag niya. “All we’re saying is we’re not going to deport you.”

Binabawi ng executive order ni Obama ang polisiya ng US na habulin ang lahat ng illegal immigrant at sa halip pagtuunan ang pagpapa-deport sa nahatulang kriminal at mga banta sa kaligtasan ng lipunan.

Ang mga taong ilegal na naninirahan at nagtratrabaho sa bansa at naabot ang criteria ay maaari nang mag-apply para sa deferred deportation simula sa susunod na tagsibol, sinabi ng White House.