Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Feast of Christ the King ngayong Nobyembre 23, ang huling Linggo ng liturgical year. Idinaraos ang kapistahan ngayong taon sa Linggo bago ang unang Linggo ng Adbiyento sa Nobyembre 30, na unang araw ng kalendaryo ng Simbahan. Ang Earth liturgical year ay isang buong katekesis ng pananampalayatang Katoliko. Puti o ginto ang kulay ng liturgical vestments ang para sa araw na ito, alinsunod sa iba pang masasayang kapistahan bilang parangal kay Kristo Jesus.

Sa kabila ng Kanyang pagkahari, mamamalas ang pagmamahal ni Kristo sa sanlibutan sa Krus at patuloy iyong nire-renew tuwina sa Konsekrasyon, ang pinakamahalagang bahagi ng misa. Sinabi ni Mother Teresa noon, “when you look at the crucifix, you understand how much Jesus loved you. When you look at the Sacred Host you understand how much Jesus loves you now.”

Ang Ebanghelyo ngayon ni San Juan ay isang diyalogo nina Jesus at Pilato bago ang sentensiya ng kurispiksiyon. Kinuwestiyon ni Pilato si Jesus tungkol sa mga paratang laban sa Kanya. Bilang pagtugon, ipinaliwanag ni Jesus ang kaibahan ng Kanyang Kaharian na hindi sa mundong ito. Ang Kaharian ng Diyos ang sentro ng pangangaral ni Jesus. Sinimulan Niya ang kanyang ministeryo sa pangangaral ng Kanyang Kaharian, ang salita na lumitaw nang higit pa sa anumang salita sa mga Ebanghelyo nina San Marcos, San Mateo, San Lucas, at San Juan. Binanggit ito ni San Lucas ng 24 beses sa kanyang Ebanghelyo; kay San Mateo 39 beses.

Ang Feast of Christ the King ay bagong karagdagan sa liturgical calendar, na itinatag noong Disyembre 11, 1925, ni Pope Pius XI sa kanyang encyclical Quas Primas (In the First) na nagpapatotoo na sa pagkahari ni Kristo sa lahat ng tao, sa buong sanlibutan at “walang katapusan ang Kanyang paghahari”. Inisyu ang encyclical sa idinaos na Jubilee year sa pagsisimula ng 16th centenary ng Council of Nicaea, ang unang ecumenical na pagtitipon ng mga obispo noong AD 325 na nagresulta sa Nicene Creed, na sinasambit pa rin sa misa tuwing Linggo bilang bahagi ng liturhiya.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Sa panahon ng kaguluhan sa daigdig at paglaganap ng atheism o kawalan ng paniniwala sa Diyos matapos ang World War I, hiniling ng Papa sa mga laiko na hayaang maghari si Kristo sa kanilang mga isipan, sa kanilang hangarin, puso at katawan. Iniutos niya na gamitin ang Feast of Christ the King upang ialay ang kanilang mga sarili o panibaguhin ang kanilang debosyon sa Sacred Heart of Jesus, kaakibat ng kanilang debosyon sa buhay na Kristo sa Eukaristiya.