JEJU, Island, South Korea– Sumabak si Nesthy Petecio ng apat na matches sa loob ng anim na araw laban sa iba’t ibang kalaban sa AIBA Women’s World Championships dito at lahat ay kanyang napagwagian.

Noong Biyernes ng gabi, si Lu Qiong ng China ang sumunod na naging biktima ng tubong Davao del Sur na si Petecio.

Umiskor ang lahat ng tatlong hurado na mula sa England, Romania at Ukraine ng 40-36 para sa Filipina, upang siguruhin ni Petecio ang bronze medal.

Ang kanyang matangkad na kalaban, ang 21-anyos na estudyante ng Xian Sports University, ay nakatikim din ng nakadidismayang mga sorpresang hooks at uppercuts na tila ‘di nasangga ng kaliwa’t kanang bigwas ni Petecio. Muling pinalitan ni Petecio ang kanyang posisyon sa paggamit ng southpaw stance sa ikalawang pagkakataon sa torneo, na sadyang nagpahirap sa kalaban.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

“Nesthy is in superb condition and is grimly determined yet has kept her humorous disposition outside the ring. We are optimistic about her chances but Nesthy herself is not leaving anything to chance,” pahayag ni team manager Karina Picson.

Kapwa tinutukan ng mga coach na sina Roel Velasco at Violito Payla ang bawat galaw ni Petecio upang siguruhin na maisasakatuparan nito ang mga estratihiya sa pagtuntong sa kanyang semifinal bout.

Susunod na makakatagpo ni Petecio ang isa pang matangkad na kalaban sa katauhan ni Tiara Brown ng United States ngayon. Kung malulusutan niya ang nasabing pagsubok, mapapalaban na ito para sa minamataang gintong medalya sa Lunes.

“Matagal ko nang inasam-asam ito at marami na rin akong sakripisyo. Sana magbunga kung bibigyan tayo ng swerte (I’ve longed for this for a long time and I’ve sacrificed so much. Hopefully and with some luck, everything will come to fruition),” saad ni Petecio.

Ang kanyang pinakamahusay na pagtatapos sa kasalukuyan ay ang dalawang Southeast Asian Games silvers (Indonesia 2011 at Myanmar 2013) at ang gold medal sa prestihiyosong China Open noong 2012.