Hindi kinakailangan ng mga mamahaling sapatos upang makapaglaro sa PBA.

Ito ang ipinakita ng pinakamatandang manlalaro ng liga na si Paul Asi Taulava nang magsuot ito ng isang low-cut na Chucks Taylor shoes noong nakaraang Biyernes ng hapon sa laban ng NLEX kontra Blackwater sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Ayon kay Taulava, hindi kinakailangan ng mga mamahaling sapatos na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 dahil puwede namang maglaro na suot ang sapatos na gaya ng isinuot niya na halos nagkakahalaga lamang ng P3,400 hanggang P4,000.

Sinabi ng 41-anyos na sentro ng Road Warriors na sanay naman siyang tumatakbo at naglalakad ng nakayapak o kaya’y naka-tsinelas at kapag naglalaro lamang ng basketball nagsusuot ng sapatos kaya naman hindi na siya nanibago nang isuot ang lumang modelo ng sapatos na siyang ginagamit noon ng mga basketball player.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“When I’m around the park with the kids, I’m more comfortable running around with Chucks. I’m either barefoot or with slippers so wearing shoes is just normal. Anything comfortable with me,” ani Taulava na nagsabing susunod niyang gagawin ay ang ibalik ang dating maliit na uniporme at maikling shorts.

“I want my uniform really small. I think it was long overdue,” ani Taulava sa ilang sportswriters na nagkober ng laro sa Ynares Sports Center.

“If I have short shorts, small jerseys, now I have the shoes it will be perfect.”

Gaya ng isang tipikal na Pinoy, ayon kay Taulava ay “pahiyang” lamang ang ginawa niya dahil sa naranasang tatlong sunod na pagkatalo ng kanilang koponan. At kung susuwertihin sa pagsusuot ng naturang sapatos, hindi malayong ulitin niya ito sa susunod nilang laro.

“He said we’ve been losing for the last three games. Change of shoes will hopefully bring a change in our game and he is right. I give credit to him but I warned him that I’m worried about the shoes and he said in our days, we play Chuck Taylor shoes high-cut and low-cut,” pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.

“I told myself if I pulled this one tonight, I have another pair waiting for the next game,” ang natatawang wika naman ni Taulava.