Namatay ang may-ari ng isang machine shop, habang sugatan naman ang apat na empleyado matapos sumabog ang tangke ng oxygen sa Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng Cebu Police, ang insidente ay naganap sa Barangay Baliwagan sa naturang lungsod.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Merkel Pilapil, may-ari ng welding shop, habang sugatan naman sina Nestor Pinili, Grace Capangpangan, Rodolfo Minoras at Angelo Babor.

Nakaligtas at nasaktan ang isa pang kasamahan ng mga biktima na si Edwin Melinao.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, na winiwelding ni Pinili ang ilang bahagi ng truck crane at nagmamasid naman si Pilapil nang mapansin ni Nestor na may singaw ang tangke kaya dali-dali niyang pinatay ang ginamit na welding at nozzle.

Ngunit habang hinahanap nito ang pinagmulan ng singaw ay bigl ang sumabog ang tangke.

Nakatayo si Pilapil malapit sa tangke at bahagyang nakadistansiya naman ang apat pang biktima ng maganap ang pagsabog.

Nagkalasug-lasog ang katawan ni Pilapil na siyang pinakamalapit sa pinangyarihan ng pagsabog habang ang mga sugatang biktima ay isinugod sa Cebu Medical Center.

Natagpuan ang ilang bahagi ng sumabog na tangke may 250 metro ang layo mula sa shop.