CABANATUAN CITY - Arestado ang isang 36-anyos na tricycle driver makaraan niyang punitin ang P20 na ibinayad sa kanya ng pasaherong empleyada ng Department of Justice (DoJ) sa lungsod na ito sa Nueva Ecija.

Kinasuhan ni Supt. Joselito Villarosa, hepe ng Cabanatuan City Police, si Alexander Sunga, 36, ng Purok 3, Baranay San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Inaresto si Sunga matapos ireklamo ni Elizabeth Diesta, 54, administrative assistant ng DoJ sa pagpunit sa P20 na ibinayad ng huli makaraang magtalo sila dahil pinadadagdagan ng suspek ang pasahe kay Diesta.

Alinsunod sa batas, ang sinumang magpunit ng perang papel ay pagmumultahin ng P20,000 o ikukulong ng hanggang limang taon.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte