LUCENA CITY, Quezon – Ilulunsad ng Librarian Association of Quezon Province-Lucena Inc. (LAQueP-LInc) ang Zumbook, na sa pagsasayaw ng Zumba ay kokolekta ng mga segunda-manong libro at iba pang instructional materials at hihimukin ang publiko na tumulong sa pagpapatayo ng mga library sa mga pampublikong paaralan at sa mga bayan at komunidad, ayon sa provincial librarian na si Ismaelinda Cabana.

Ilulunsad ang Zumbook sa Linggo, Nobyembre 23, sa Perez Park sa siyudad na ito.

Sinabi ni Cabana na makikibahagi sa Zumbook ang mga eskuwelahang gaya ng Manuel S. Enverga University Foundation, Sacred Heart College, Calayan Educational Foundation Inc., Maryhill College, ang Lucena City Library at Quezon Provincial Library.

Karamihan sa mga library sa lalawigan na napinsala sa pananalasa ng bagyong ‘Glenda’ ay kailangang makumpuni o maipatayong muli.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inoobliga ang mga sasali sa Zumbook na magbitbit ng mga libro sa kanilang pagrerehistro para sa event. - Danny J. Estacio