IPINAGDIRIWANG ng republic of Lebanon ang kanilang Pambansang Araw ngayon na gumugunita sa kanilang kasarinlan mula sa France noong 1943.

Isang bansa sa East Mediterranean sea, ang Lebanon ay nasa hangganan sa hilaga at silangan ng syria at sa timog ng Israel. Ang Beirut ang pinakamalaking lungsod at kapital ng bansa. Mahigit 4.8 milyon ang populasyon ng Lebanon.

Naging independent state ang Lebanon noong setyembre 1, 1920 matapos maging bahagi ng Turkish Empie. sa 1943 Covenant, lahat ng public position ay ipinamahagi sa iba’t ibang relihiyosong komunidad, kung saan ang mga Kristiyano ang bumubuo ng mayorya. noong dekada 70, ang mga Muslim sa kanilang lumalagong populasyon ay gumiit ng mas malawak na tungkulin sa pulitika at ekonomiya.

Noong 1991, isang kasunduan ang ipinatupad ng Lebanon at syria na kumilala sa una bilang hiwalay na estado. Mula noon, malaki ang progreso ng Lebanon tungo sa muling pagtatatag ng kanilang political institutions at tumapos sa 16 taon na civil war.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakapagtatag ang Lebanon ng isang makatarungang sistema ng pulitika, na nagkaloob sa mga Muslim ng mas malawak na tungkulin sa proseso ng pulitika habang nagtatatag ng sectarian divisions sa gobyerno. Sa nakaraang mga taon, nadaos ng matatagumpay na eleksiyon sa Lebanon. Tinatamasa ng naturang bansa ang mabuting pakikipag-ugnayan sa lahat ng bansang Arabo at isa sa pinakamalaya sa Arab region.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng republic of Lebanon sa pangunguna ni Acting President at Prime Minister Tammam salam, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.