BERLIN (AP) — Isang 100-anyos na watercolor ng city hall ng Munich ang inaasahang mabibili ng hindi bababa sa 50,000 euro (P2,819,692) sa isang subasta ngayong weekend, higit sa kanyang artistic value dahil sa lagda sa ilalim nito: A. Hitler.
Sinabi ng Nuremberg’s Weidler auction house na ang painting ay isa sa may 2,000 ipininta ni Adolf Hitler at pinaniniwalaang ginawa noong 1914, ng siya ay isa pang nagdarahosp na artist, halos dalawang dekada bago siya umangat sa kapangyarihan bilang ang diktador ng mga Nazi.
Ipinagbibili ito ng isang magkapatid na babae, na ang lolo ay binili ang painting noong 1916.
Ang starting price sa Sabado (Linggo sa Manila) ay 4,500 euros.