NAGLAAN ang Aquino administration ng P90.86 bilyon upang mapaigting ang implementasyon ng defense at military modernization hanggang sa sumapit ang pagbaba ng Pangulo sa poder. Tapos na ang kanyang anim na taong termino, at sana ay isa ito sa kanyang mga legacy.

Sa ika-75 anibersaryo ng Department of national Defense na ang binatang Pangulo ang panauhing pandangal, sinabi niya na determinado ang kanyang administrasyon na gawing makabago ang mga kagamitan ng AFP-- mga bagong helicopter, fighter jets, armas, patrol boats, mga barko at iba pa.

Kung ang ganitong inisyatiba, pagsisikap at determinasyon noong panahon nina Tita Cory, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, gloria Macapagal-Arroyo, ay isinagawa lamang, kahit papaano ay meron ang Pinas ng mga eroplano at barko na pansalag sa pagpasok at panduduro ng China sa West Philippine Sea. Hindi mga kalawanging barko at mababagal na patrol boats sa karagatan ng Palawan, Zambales, at iba pang mga lugar sa Spratly Islands na kinakamkam ng China at itinataboy ang ating mga mangingisda sa paghahanabuhay. Di ba taun-taon ay may budget para sa AFP, eh saan napunta ang bilyun-bilyong salapi na nakalaan dito? Saan nga ba mga kababayan?

Dumalaw sa Pilipinas si Turkey Prime Minister Ahmet Davatoglu, kasama ang kanyang beautiful wife, at mga pinuno. Suportado niya ang pagsisikap ng gobyernong Pilipino na matamo ang isang tunay at ganap na kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang Bangsamoro sub-state. Suportado rin niya ang pagdidis-arma sa MILF.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Samantala, may mga balitang nangako si Chines President XI Jinping na kailanman ay hindi sila gagamit ng puwersa para lang makamit ang mga adhikain ng Beijing. Ibig sabihin nito, hindi na pipilitin ng China na angkinin ang mga teritoryo ng Pinas, Vietnam at iba pang claimants sa Spratly Islands (South China Sea) at ng Japan sa East China Sea. Sana ay tuparin ito ni Pres. Xi upang maglaho ang banta ng digmaan at sigalot sa South China Sea o West Philippine sea.