Napaiyak ang tinaguriang mastermind ng P10 bilyong pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles nang dumalo ito sa pagdinig sa Sandiganbayan kaugnay ng mosyon nitong makapagpiyansa.

Sa pagdinig kahapon sa anti-graft court, biglang tumayo si Napoles kung saan nais sana nitong komprontahin ang isa sa mga testigo ng prosekusyon na si Marina Sula na nakasalang sa witness stand para sa cross-examination ng depensa.

Inihayag ni Sula na ginagamit na “panangga” ni Napoles si dating Sandiganbayan Justice Gregory Ong kaya hindi sila natatakot bagamat batid nila na mayroong silang ginagawang ilegal.

Sa gitna ng pagdinig, umapela ang legal counsel ni Napoles na si Stephen David na makapagsalita sana sa korte ang kliyente nito pero hindi ito pinagbigyan. At sa halip, hinayaan na sa media na lang maglabas ng sama ng loob.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit din ni Napoles na kaya lamang ito napaiyak dahil sa awa nito kay Ong nakakaladkad sa isyu.

Matatandaan na noong Oktubre 21, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nito na sibakin sa serbisyo si Ong – dating chairman ng Sandiganbayan Fifth Division – bunsod ng kaugnayan nito kay Napoles.