LAOAG CITY, Ilocos Norte – Niyanig ng 6.2 magnitude quake ang ilang lugar sa Northern Luzon bago magtanghali kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ni Phivolcs Researcher Porferio de Peralta na naramdaman ang 6.2 magnitude quake ganap na 11:29 ng umaga kung saan ang epicenter ay nasa 214 kilometro timog-kanluran ng Itbayat, Batanes at may lalim na 32 kilometro.

Aniya, naitala ang Intensity 3 sa Calayan Island at Laoag City; at Intensity 2 sa Vigan City.

Inilarawan pa ni De Peralta ang lindol bilang tectonic in origin na maaaring masundan ng mga aftershock.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa rin ng iba’t ibang lokal na pamahalaan kung mayroong mga gusali o istraktura na naapektuhan ng lindol. - Freddie G. Lazaro