Sa kabila ng babala ng United Nationalist Alliance (UNA), sinabi ng mga organizer ng 14th Miss Earth pageant na tuloy bukas ang kanilang swimsuit competition sa Coron Island sa Palawan.

Sa panayam sa telepono, tiniyak ni Lorraine Schuck, executive vice president ng Carousel Productions, walang bahid-pulitika ang pagsasagawa ng swimsuit competition sa Coron, Palawan dahil itinataguyod lamang nila ang eco-tourism sa Pilipinas. Nilinaw din ng dating beauty queen na matutulog lamang ang mga kandidato sa kontrobersiyal na Coron Underwater Garden Resort nang isang gabi at sa ibang lugar gaganapin ang swimsuit competition.

“Hindi naman kami namumulitika. At kaibigan namin silang lahat.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Thankful pa rin kami kila Toby Tiangco at may concern sila sa amin,’’ pahayag ni Schuck.

Noong Huwebes, nagpahayag ng pagkabahala si UNA Interim President at Navotas Rep. Toby Tiangco kung sa Coron Garden island-resort gaganapin ang Ms. Earth event dahil nababalot ang lugar sa kontrobersiya at maaaring maapektuhan ang imahe ng international beauty pageant.

Iginiit ni Tiangco na ang 100-ektaryang lupain ay pag-aari ni Mercado at nabili niya umano ito sa mga nakubrang komisyon sa mga ilegal na transaksiyon noong ito’y nakaupo bilang bise alkalde ng Makati. - Robert Requintina