TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Kinasuhan ng illegal possession of dangerous drugs ang isang barangay kagawad matapos magtangkang magpasok ng shabu sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod na ito.

Sinasabing dumalaw si Rogelio Padilla, 53, kagawad ng Barangay Pallua Sur sa Tuguegarao City, sa bilanggong si Danilo De Asis at nagbigay ng mga sako na walang laman pero sa pag-iinspeksiyon ni Jail Officer 3 Agustin Aquino ay nadiskubre sa magkahiwalay na sako ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu na binalot sa papel at ginupit na piraso ng sako.

Nakuha sa isa pang sako ang limang maliliit na nirolyong aluminum foil.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20