JEJU CITY, South Korea- Ikinasa ng feisty na si Nesthy Petecio, ang natatanging Filipina na naiwan sa kontensiyon sa pagpapatuloy ng World Women's Championships sa popular na tourist resort dito, ang kanyang ikatlong panalo sa torneo noong Huwebes ng gabi sa isa na namang dominating performance, sa pagkakataong ito ay kontra kay Ukrainian Maryna Malovana.

Ang dalawa pang ibang Filipina fighters, sina Josie Gabuco at Irish Magno, kasama ang team Manager na si Karina Picson, ay nagsisigaw ng malalakas upang i-cheer ang 22-anyos na tubong Davao del Sur habang ipinamalas ng featherweight (57 kg.) fighter ang kanyang epektibong counter combinations sa kanyang kalaban.

Umiskor ang tatlong hurado sa isang shutout kay Petecio na may magkakaparehong 40-36 cards matapos ang apat na rounds.

Susunod na makakaharap ni Petecio si lanky Lu Qiong ng China. Kinakailangang magwagi ni Petecio sa laban upang umakyat sa medal rounds. Anim na mga panalo ang kinakailangan upang makamit ang gold sa featherweight category.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang tomeo, humakot ng kabuuang 280 boxers mula sa 67 mga bansa, ay magtatapos sa Lunes.