Idineklara ng Malacañang ang Disyembre 2 bilang “special non-working day” sa Pasay City kasabay ng pagdiriwang ng ika-151 anibersaryo ng lungsod.

Ang naturang deklarasyon ay pinagtibay ng Presidential Proclamation 911 na pinirmahan noong Nobyembre 13.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Pasay be given full opportunity to participate in and celebrate the occasion with appropriate ceremonies,” sabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Nanawagan si Pasay Mayor Antonino “Tony” Calixto sa pamahalaang lungsod at sa 201 barangay sa siyudad na makibahagi sa pagdiriwang ng makulay nitong kasaysayan.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon