Umabot sa P3.87 bilyon ang budget na inilaan sa Department of Education (DepEd) na P2.5 bilyon dito ay gagamitin sa feeding program ng may 1.28 milyong kabataang estudyante.

Ayon kay Senator Francis Escudero, chairperson ng Senate Finance Committee, malaking tulong ito para maisalba ang kabataan na naka-enroll sa kinder hanggang grade school laban sa malnutrisyon.

“As amended by the Senate Committee on Finance, it will cover 100 percent of the ‘severely wasted’ and 100 percent of partially wasted. Pati pondo kasi para sa pagkain ng mga bata sa paaralan ay kulang din. There is also such a thing as budget malnutrition. So dinagdagan namin ng pondo,” ayon kay Escudero.

Aniya, prayoridad kasi ng gobyerno ang pagkain kumpara sa kakulangan ng mga silid-aralan, guro at kagamitang pang-eskuwela.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang naturang halaga ay dagdag na rin sa P3.36 bilyon na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DepEd kaya aabot na ito sa kabuuang P7.3 bilyon.

Balak ng DSWD na mabigyan ng isang pagkain sa loob ng apat na buwan ang may 205 milyong estudyante na hanggang limang taong gulang na nag-aaral sa mga day care center.

Suportado naman ni Senator Grace Poe ang paglalaan ng karagdagang budget upang matiyak ang kalusugan ng kabataan sa bansa.

“I am fully supportive of the DepEd budget because I always value the most important guarantee of our Constitution that education should be accorded the highest priority and the highest budget among the sectors,” ayon kay Poe.