ISINISIS sa climate change ang matitinding lagay ng panahon na nararanasan nitong mga huling araw sa maraming bahagi ng daigdig. Maraming lugar ang binaha kamakailan dulot ng malalakas na ulan gayong hindi man nila nararanasan ang ganoong lagay ng panahon dati. natutunaw na ang yelo sa north at south poles at nangangamba ang mabababang isla dahil sa panganib ng pagtaas ng tubig-dagat.

Sanay na ang Pilipinas sa pagmamalupit ng 20 bagyo kada taon ngunit kakaiba itong supertyphoon Yolanda. sa unang pagkakataon sa makakaya ng memorya, ito ang bagyong may dalang hindi lamang malalakas na hangin kundi ang pagdaluyong ng alon na bumura ng mga komunidad sa mapa at nag-iwan ng mahigit 8,000 patay at nawawala.

Sa mga paraan na hanggang ngayon hindi pa natin nauunawaan, iniuugnay ang climate change sa greenhouse emissions dahil sa mga planta at mga pabrika sa industrial nations. Kung ang air pollution ay nananatili lamang sa kanilang mga hangganan, hindi kailangang mag-alala ang iba pang bansa, ngunit totoong walang nalalamang hangganan ang polusyon. Kinakalat ng hangin ang init at polusyon, naapektuhan ang pinakamalalayong lugar tulad ng Arctic at Antartic at mga islang bansa tulad ng Pilipinas.

Ito ang dahilan kung bakit ang dalawang pinakamalalaking tagaambag ng greenhouse gasses – ang China at ang United state of America – ay nagkaroon ng kasunduan noong nakaraang linggo na bawasan ang kanilang emissions pagsapit ng 2030. sinabi na saklaw ng China ang 25% ng greenhouse emissions ng daigdig, habang saklaw naman ng Us ang 15%. Ang Europe at India ang dalawang kasunod na pinakamalalaking polluting economies.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kanilang kasunduan, nangako ang China at Us na mag-develop ng mas murang anyo ng renewable energy habang pinabababa ang kanilang greenhouse emissions. Una nang sinabi ng European Union na magbabawas sila ng emission levels ng 40% pagsapit ng 2030. nagsisikap naman ang India na isulong ang kanilang solar power. Ang mga pagsisikap na ito mula sa apat na pinakamalalaking source ng greenhouse emission ay umaasa sa mga negosasyon para sa isang bagong climate treaty na pinaplanong tapusin sa susunod na taon sa Paris, France.

Maaari ngang hindi isang pangunahing tagaambag ang Pilipinas sa problema ngunit kailangang makibahagi ito at ang iba pang bansa sa tungkulin. sa ngayon, nagde-develop na tayo ng wind power projects, tatlo sa mga ito na northern Luzon, at magdadagdag ito ng mahigit 200 megawatts ng elektrisidad bago sumapit ang 2015. Unti-unti, nagpapatupad ang mga bansa ng mga pagbabago upang resolbahin ang matanda nang pandaigdigang problema.