Dalawa katao ang sugatan matapos ihagis ang isang bomba na gawa sa bala ng 60mm mortar sa isang military truck sa Cotabato City noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Cotabato City Police Office(CCPO), naganap ang pagsabog dakong 6:05 ng gabi makaraang hagisan ng bomba ang isang military truck.

Nakilala ang dalawang sugatan na sina Leslie Ensena, 18, at Christine Mae Uy, 20, na ligtas na ang kalagayan.

Sinabi ni Senior Supt. Rolen Balquin, director ng CCPO, isang hindi kilalang suspek ang naghagis ng improvised explosive device mechanical type detonation sa loob ng KM 450 military truck ng Charlie Company ng 37th Infantry Battalion habang tinatahak nito ang Sinsuat Avenue, Cotabato City.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ngunit mabilis na pinulot ng isang sundalo ang bomba at itinapon sa labas ng kanilang sasakyan.

Sumabog ang bomba sa gilid ng kalsada at minalas na nasagutan ang dalawang sibilyan na nagtamo ng minor injuries.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman umano sa insidente ang law enforcement operation ng militar at pulisya laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at hangganan ng North Cotabato.