Hindi pa maipatutupad ang 13th month pay at iba pang tax exemption sa bonus ngayong taon dahil sa kakulangan ng sapat na panahon kahit na ito ay malagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, wala pa kasing Implementing Rules and Regulations (IRR) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para ipamahagi sa mga kinauukulan.

“Sa Disyembre sigurado na po na maipapasa natin sa Senado ang pagtaas ng tax exemption sa 113th month pay. Ito po ay ipapasa natin sa 3rd reading, kung saan itataas natin ang tax exemption from P30,000 hanggang P82,000,” ani Drilon.

Nagkasundo ang mga senador na mula sa orihinal na panukalang P75,000 ceiling, ay itinaas ito sa P82,000 batay sa panukala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa kasalukuyan kasi kinakaltasan ang bonus na umaabot sa P30,000.

“Ngayon kung maipapasa natin iyan sa 1st week of December, ngunit mayroon pang Implementing Rules and Regulations na ipapatupad ng BIR kaya hindi namin maihabol. Sigurado by 2015 ay iyan ay magiging batas na at sa bonuses at benefits sa 2015 ay siguradoong tataas ang tax exemption,” ayon kay Drilon.

Tiniyak ng Senate President na maipapasa nila ito bago mag-Disyembre 15 dahil aprubado na rin ito sa Kamara.