Kung ninenerbiyos ka sa tuwing tatanggapin mo ang iyong payslip, siguro napapanahon nang gumawa ka ng pagbabago. Bago mo guntingin ang iyong credit card sa layuning mabawasan ang tukso na gumastos, tanungin mo ang iyong sarili:

  • Saan ba nagpupunta ang aking pera? – Sa totoo lang, marami sa atin ang hindi sumusubaybay sa kung paano nating ginagastos ang ating pinaghirapang sahod. Bumibili tayo ng mga produktong madalas nating ginagamit nang hindi namamalayan na tumaas na pala ang presyo ng mga iyon, o dumoble na ang singil sa tubig at kuryente bunga ng ating paggamit. Kailangang maging alerto sa mga presyo at singil at magkaroon ng sapat na budget para roon.
  • May ginagawa ba ako na nakapagaaksaya ng pera araw-araw? – Maaari itong pagsakay mo ng taxi, sobrang lunch, o pagbili ng beer in cans. Ang maliliit na pang-araw-araw na gastos na ito ay nakabubuo ng malaking gastos. Isipin na lamang kung kakain ka sa isang sikat na fast food resto, maaaring gumastos ka ng higit pa sa sandaang piso kumpara sa pagbaon ng pagkain o pagbili ng pagkain sa isang karinderya.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Ano ba ang kahinaan ko? – Lahat tayo ay may kahinaan. Siguro ito ay ang panonood mo ng sine, branded na maong o sapatos, masarap na pagkain. Maaari rin itong pagbili mo ng higit pa sa iyong kailangan kapag nasa labas ka ng iyong tahanan o trabaho. Iwasan ang pagpasok sa mall. Iwasan ang fast food resto. Puwede mo ring i-set ang reminder sa iyong cellphone na huwag kang gumastos kung tinatantiya mong sa ganoong oras ay nasa loob ka ng mall.

  • Sobra ba kung gastusan ko ang aking mahal sa buhay? – Kung maluho ang iyong mga anak o kahit na sinong miyembro ng iyong pamilya, o ang iyong kasintahan at ikaw ang gumagastos, talagang madudukutan mo ang iyong savings account. Kung nais mong lumago ang iyong pera sa bangko, kailangang hindi lamang ikaw ang nagsisikap na magtipid. Ipaliwanag mo sa kanila ang iyong pagsisikap kasabay ng pagtiyak na maiiwasan ang tensiyon sa koponan.

  • Nag-aaksaya ba ako ng pera dahil sa utang? – Oo. Ang utang na may kaakibat na interes ang bubutas sa bulsa mo. Bayaran ito agad sa lalong madaling panahon.