Dapat munang mag-report sa Punong Barangay ang bawat pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) bago pumasok sa presinto.
Ito ang bagong kautusan ni P/ Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police Station, base rin sa derektiba ni Mayor Oscar Malapitan, upang masugpo ang tumataas na antas ng krimen sa lungsod.
Sa ika-sampung pagpupulong ng Peace and Order Council, inihayag ng bagong Caloocan Police Chief, P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante na 70 pulis ang magpapatrulya sa bawat PCP. “Ang mga pulis na ito ay madedestino sa 188 na mga barangay ng lungsod at sila ay magre-report muna sa Barangay Chairman bago sila mag-ronda, para sa iba pang mga instructions,” paliwanag ni Bustamante.