Binuksan noong Miyerkules ang pinakamalaking windmill sa bansa bilang panlaban sa inaasahang kakulangan ng kuryente sa susunod na taon.
Ayon kay Senator Ferdinand Marcos Jr., ang 81-megawatt Caparispisan windmill sa Pagudpud, Ilocos Norte ay magiging mabisang pagkukunan ng kuryente sa ilang bahagi ng Luzon sakaling magkarooon ng brownout.
Ang naturang power source ay inaasahang magbibigay ng kuryente sa may 625 residente ng barangay na mapapakinabangan din ng buong bayan ng Pagudpud at mga kalapit na lugar.
Ang Caparispisan Wind Energy project ay inumpisahan nooong Hulyo, ng energy investment arm ng J Ayala, ang AC Energy Holdings Incorporated, Philippine Investment Alliance for Infrastructure at UPC Philippines Wind Holdco.
“The wind plants found only in my home province would help avert the looming power crisis by providing clean renewable wind resources to the country for power generation, thus addressing the soaring power consumption,” ani Marcos.
Aniya, wala din itong masamang epekto sa kalikasan dahil tanging hangin ang magpapaandar nito.