MIAMI (AP)- Nagposte si Chris Paul ng 26 puntos at 12 assists, nagambag naman si Blake Griffin ng 26 puntos kung saan ay ‘di nagsayang ng anumang pagkakataon ang Los Angeles Clippers para sa 110-93 win kontra sa Miami Heat kahapon.

Umiskor si DeAndre Jordan ng 12 puntos, ang lahat ay mula sa kanyang dunks, habang sinunggaban ang 11 rebounds para sa Clippers (7-4), umungos sa 39-15 matapos ang unang quarter.

Nagtala si Chris Bosh ng 28 puntos sa Miami (6-6), sumadsad sa tatlong sunod na home games sa unang pagkakataon simula pa noong Marso 3-8, 2011.

Ikinasa naman ni rookie reserve Shabazz Napier ang kanyang season-high 17 puntos.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Hindi nakita sa aksiyon si Dwyane Wade sa ikaapat na sunod na mga laro sanhi ng tinamo nitong strained left hamstring. Ang Heat ay 5-3 nang maglaro si Wade sa season na ito, at 1-3 nang nawala siya sa hanay.