Isa sanang malaking Christmas gift mula sa gobyerno kung ang bagong batas na naglilimita sa buwis sa year-end bonus ng mga manggagawa sa bansa ay magiging epektibo ngayong taon.

Inaprubahan ng senado noong Martes ang senate Bill 2437 na nag-aatas na hindi bubuwisan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Christmas at iba pang year-end bonus hanggang P82,000. sa ilalim ng batas na epektibo ngayon, ang Republic act 7833 na isinabatas noong 1994, binubuwisan ng gobyerno ang lahat ng bonus na hihigit sa P30,000.

Ipinaliwanag ni senate President Franklin Drilon na maaaring walang sapat na panahon upang gawing epektibo ang bagong batas ngayong taon. Kahit isinabatas ito sa wakas ng Kongreso at nilagdaan ni Pangulong aquino bago matapos ang taon, aniya, magbabalangkas pa ang Department of Finance (DOF) ng implementing rules and regulations (IRR) bago ito maipatupad.

Mahigit 20 taon na nang maitakda ng batas ang P30,000 limit. Dahil sa inflation, ang P30,000 noong 1994 ay malamang P82,000 na ang halaga ngayon, sinabi ni sen. Juan Edgardo angara, chairman ng senate Committee on Ways and Means. Upang matiyak na hindi na mauulit pa ang “kawalan ng katarungan” na ito, mandato ng bagong batas na magsagawa ng adjustments kada tatlong taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinaya ng DOF na ang bagong batas ay lilikha ng pagkalugi ng P30 bilyon. Dahil dito, matatagalan ang departamento na magbalangkas ng IRR kung kaya hindi maaaring maging epektibo ito ngayong taon. Ngunit, binigyang diin din, ang ekstra na salapi kapag ang kalahating milyong kawani ay papatawan ng sales tax kapag ginastos ito sa mga pamilihan. At malamang na mangyayari iyon sa holiday season na ito.

Ang lahat ng miyembro ng senado ang nagprisinta upang maging co-author ng bill – kung kaya ganoon na lamang ang suporta sa panukala sa hanay ng ating mga mambabatas. Ang House version ng bill ay naunang aprubahan.

Tulad ng binigyang-diin ni sen. Drilon, maaaring gahol na sa panahon upang gawing epektibo ang naturang batas ngayong taon. Ngunit ito ang Christmas season ng pag-asa. Batid ng libu-libong kawani at ng kani-kanilang pamilya na wala naman silang magagawa kung gugugol ang DOF at BIR ng maraming oras sa pagbabalangkas ng kinakailangang IRR. Ngunit mas maligaya sana ang Pasko kung, kahit paano, magsisikap ang kinauukulang mga opisyal na ipatupad ito ngayon.